Narito ang mga kakatwang salita na aking naipon sa haba ng aking ikinanbubuhay hehe.. sana ay inyong magustuhan!!
simulan natin...........
part 1 unoh--
Nararapat lamang na maglaan tayo ng ilang saglit upang muling sariwain ang
mga salitang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno! BAKA MALIMUTAN NATIN
ANG
ATING SARILING WIKA...
Abuloy --- bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang
sakla.
Akala ---- alam na alam daw.
Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sanakung pera
na lang.
Ama ------ pamilyadong gustong maging binata
Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
Bakit ---- tanong na laging mahirap masagot.
Bakya ---- tsinelas na may takong.
Baga ----- lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.
Bagoong -- masarap na ulam ng mga walang maiulam.
Baldado -- hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.
Bale ----- suweldong inutang.
Binata --- lalaking gustong maging ama
Biyenan -- anay ng tahanan
Kaaway --- ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'
Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.
Kabag ---- dighay at utot na naghalo sa tiyan.
Kabayo --- hayop na sinasakyan Ng kalesa.
Kabit ---- asawang nakatira sa iba
Kalbo ---- gupit ng buhok na korteng itlog.
Dalaga ------ babaeng gustong maging ina.
Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.
Dighay --- Utot na lumabas sa bunganga.
Dilim ---- liwanag na maitim.
Ginang --- asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.
Ginoo ---- asawa ni ginang na may inaasawang iba.
Gipit ---- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.
Ha ------- sagot ng nagbibingi-bingihan.
Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.
Handaan -- magdamagan na Palakihan ng tiyan.
Handog --- bigay na laging may kapalit.
Hipo ----- haplos na may malisya.
Hudas ---- tapat na manloloko.
Ibon ------ hayop na lumalangoy sa Hangin.
Imposible - pagtaas ng unano.
Ina ------- pamilyadang gustong maging dalaga.
Insulto --- walang hiyang biro.
Isda ------ hayop na hindi Nalulunod.
Itlog ----- pagkaing amoy utot
Ita ------- negrong Pinoy.
La -------- ikli ng 'lalalalala' sa kinakantang hindi maalala.
Lalawigan - syudad ng kahirapan.
Langaw ---- kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.
Ma -------- tawag sa gelpren na mukhang nanay na.
Malusog --- hitsura ng tumatabang balat.
Mama ------ tawag sa sosyal na ina.
Mano ------ kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.... at bulsa.
Mantika --- katas ng piniritong taba.
Mayabang -- abusadong tanga.
Maybahay -- dominanteng utusan sa bahay.
Nanay ---- Ilaw ng tahanan
Nakaw ----- hiram ng walang paalam
Naku ------ ikli ng 'nanay ko, nanay na ako.'
Nitso ----- bahay ng mga patay.
Nobya ----- gelpren na laking probinsya.
Ngalngal -- iyak ng walang ipen.
Ngisi ----- tawang tulo-laway.
Ngiti ----- tawang labas ipen.
Paa ------- bahagi ng katawan na amoy tuta.
Paaralan -- dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.
Panata ---- dasal na nakatataba ng tuhod.
Regla ----- masungit na panahon ng pagkababae.
Sabon ----- mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.
Sakristan - utusan ng pari.
Sampal ---- haplos na nakatitigas ng mukha.
Ta -------- ikli ng 'tita' o lalaking may bra.
Tamad ----- taong hindi napapagod sa pahinga.
Tatay ----- haligi ng tahanan
Utot-------- Dighay na lumabas sa puwit
Ulol ------- sobrang matalino
Wala ------- salitang tagalog na minana ng mga ingles.
Yaya -------- alaga ng ama ng inaalagaang bata.
part 2 dos
hindi mawawala ang mga salita na bigyang nating ng kahulugan...
Contemplate - konte ang mga pinggan
Punctuation - pera para maka-enrol
Ice Buko - oks ang buhok ko
Tenacious - sapatos na pang tennis
Calculator - tawagan kita mamaya
Devastation - sakayan ng bus
Protestant - Tindahan ng prutas
Statue - Ikaw ba yan?
Tissue - Ikaw nga!
Predicate - Pakawalan mo ang pusa
Aspect - Pantusok o pandurog ng yelo
Deduct - Ang pato
Defeat - Ang mga paa
Detail - Ang buntot
Deposit - Gripo
Diploma - taga ayos ng tubo
City - Bago mag-utsu
Cattle - Doon nakatila ang Hali at Leyna
Persuading - Unang Kasal
Depress - Ang nagkasal o kaya'y dyaryo
Defense - bakod sa bahay
It depends - Kainin mo ang bakod
Shampoo - Bago mag-labing-isha (hik!)
Delusion - Maluwang (kung maluwang
ang damit, e delusion!)
Profit - Patunayan mo
Balance Sheet - What comes out after
eating a balanced diet
Backlog - bacon saka egg
Beehive - magpakatino ka
CD-ROM - tingnan mo ang kwarto
Debug - ang ipis
Defrag - ang palaka
Defer - ang balahibo
Deflate - ang plato
Detest - ang eksamin
Devalue - 'yon ang susunod sa letrang V
Devote - ang boto o sasakyang pantubig
Dilemma - brownout o kaya'y hindi anim
Effort - 'dun nagla-land ang efflane
Forums - apat na kwarto
July - nagsinungaling ka ba?
Thesis - sakit
part 3 tres
halina na at mag tagalog tayo ng salita ng english...
Don't Let Me Be The Last To Know! - Huwag Mo Kong Gawing Tanga!
You Should Know By Now - Alam Mo Na Dapat Ngayon Yan, Tanga!
Sometimes When We Touch - Minsan Kapag Tayo'y Naghihipuan
Touch Me In The Morning - Hipuan Mo Ko Sa Umaga
Stairway To Heaven - Mula Paa Hanggang Singit
Hurt So Good - Array, ang Sarrap!
Total Eclipse Of The Heart - Maitim Ang Puso
I Left My Heart In San Francisco - Walang akong Puso ngayon
King And Queen Of Hearts - Tong-itan at pusuyan!
Pretty Woman - AKO yun o kaya'y di ikaw yun!
Hey Jude - Hoy Hudas! Barabas!
Power Of Love - Buntis
How Deep Is Your Love - Gaano Kalalim ang sa iyo
Three Times A Lady - Super Bakla
More Than A Woman - Tomboy (T-Bird)
Can't Be With You Tonight - Meron Ako Ngayon